Update: 3rd Bicameral hearing on Marcos victims’ compensation bill

Ngayong hapon, Enero 23, inaprubahan ng bicameral conference committee ang final version ng Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013. Ito ang produkto ng pinagsanib na bersyon ng Marcos victims indemnification bill na naunang isinulong ng SELDA katuwang ang mga progresibong partylist sa pangunguna ng awtor na isang kapwa Martial Law victim, si Rep. Neri Colmenares.

Sa pinal na bersyon, kinikilala na ang mga biktima ng Martial Law ay kinikilala bilang mga tunay na biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Kasama dito ang mga 9,539 biktima na nagsampa ng class suit laban sa mga Marcos sa Hawaii noong 1986. Pasok ang probisyong “conclusive presumption” na kumikilala sa mga biktima.

Sa Lunes ay iraratipika na ang panukalang batas. Ibig sabihin, matapos pirmahan ng bicameral committee, ito ay itutulak na para mapirmahan ni Aquino. 

Bagamat tiyak na mahaba pa ang labang ito, isang tagumpay ang pagkilala sa mga biktima ng Martial Law hindi lang para sa kanila kundi sa mamamayang Pilipino. Kailangang tiyaking malubos ang tagumpay na ito. Magagawa natin ito sa ating patuloy na sama-samang pagkilos.

Sa lahat ng mga kasapi ng SELDA, mga biktima at kaanak na kumilos sa Senado kanina, mabuhay kayo! Hustisya sa lahat ng mga biktima ng Martial Law! Hustisya sa lahat ng biktima ng paglabag sa karapatang pantao!

Advertisements

Comments are closed.