Quote

Updates: 2nd Bicam Conference Committee Meeting on Indem Bill

Katatapos lamang ng bicameral conference committee meeting sa House of Representatives kaugnay ng Marcos victims compensation bill. Sa pangalawang pagpupulong, umani ng tagumpay ang mga biktima ng Batas Militar sa pagpapasok ng mga mahahalagang probisyon sa pinal na bersyon ng panukalang batas:

1.       Kasama ang SELDA at Karapatan sa consultative body na bubuuin kung paano ipoproseso ang claims ng mga biktima. Nanatili namang bahagi ang SELDA ng nominations committee na magtutukoy kung sino ang lehitimong biktima o hindi. Samantala, hindi nakasama dito ang Karapatan at Claimants 1081.

2.       Tinanggal na ang “peaceful means” sa pinal na bersyon ng panukalang batas. Sa madaling salita, kinikilala nito ang sinumang lehitimong biktima, anuman ang naging porma ng kanyang naging paglaban sa panahon ng diktadura.

Binabati namin ang mga kasapi ng bicameral conference committee sa kanilang pagtindig para sa biktima, gaya nina Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, Sen. Teofisto Guingona III, Sen. Chiz Escudero at iba pa. Umaasa kaming patuloy silang titindig sa mga natitira pang agenda sa bicameral conference pabor sa mga biktima ng Batas Militar na matagal nang ipinaglalaban ang hustisya.

Ang susunod na pagpupulong ay nakatakda sa Miyerkules, Enero 23. Ang natitirang contentious na isyu ay ang usapin ng “conclusive presumption,” kontra sa “disputable presumption” na tinututulan ng mga biktima ng Batas Militar.

Iginigiit ng SELDA na ang mga biktima na nagsampa ng class action suit laban sa mga Marcos ay dapat kilalanin bilang mga lehitimong biktima sa ilalim ng “conclusive presumption,” sa halip na muli silang isalang sa proseso ng pagkilala at pagpapatunay na sila ay tunay ngang mga biktima.

Hustisya sa mga biktima ng Martial Law! Ipasa ang Marcos Victims Compensation Bill!

Download Selda_position_paper_for bicam

Advertisements

Comments are closed.