Pahayag ng pakikiisa ng mga bilanggong pulitikal sa New Bilibid Prison

POLITICAL PRISONERS
11-A P.I.C. NBP MUNTINLUPACITY

SEPTEMBER 17, 2010

Maalab na pagbati ang pinaabot namin sa inyong lahat na mga kasama at sa buong sambayanang Pilipino!

Ang kalagayan ng mga bilanggong pulitikal sa New Bilibid Prisons ay nananatiling matatag sa aming paninindagan bilang bilanggong pulitikal, sa kabila ng matagal na ikinulong ang aming katawan. Pero malaya ang aming isipan upang ipagpatuloy ang pakikibaka at sumuporta sa lahat ng inilulunsad na laban ng mga mamamayan.

Kaming mga bilanggong pulitikal sa NBP ay nakikiisa at sumusuporta sa panawagan
na palayain ang Morong 43 at lahat ng mga bilanggong pulitikal at magsasagawa ng 12 oras na fasting protest.

Naniniwala ang mga bilanggong pulitikal sa pamamagitan ng sama samang pagkilos ng mamamayan, hindi lang ang Morong 43 at ang mga bilanggong pulitikal ang magpapalaya kundi ang sambayanang pilipino sa kamay ng naghaharing sistema.

Habang patuloy na ginigipit ang mamamayang nakikibaka sa ilalim ng kasalukuyang gobyerno, siya naman ang magpapatatag ng aming kalagayan upang mananatili ang diwang mapanlaban.

PALAYAIN ANG MORONG 43 AT LAHAT NA BILANGGONG PULITIKAL AT ANG SAMBAYANANG PILIPINO!

MARAMING SALAMAT.

Jeff Yambot
Edgardo Lingan
Francis Versosa
Victoriano Segura
Ricardo Solangon
Danilo Sioncio
Sonny Mabilla
Arnillo Gavillo
Alfredo Montajes
Lamberto Santiago
Arturo Pangilinan
Crisanto Ceriola
Raul Villar
Romeo Lariano
Generoso Ceriola
Rodel Caballero
Jesus Alegre
Selmam Alegre
Joel Ramada
Marcial Dosmanos
Rolando Panamogan

Advertisements

Comments are closed.